In Antipolo, pilgrims make the alay-lakad
Legs were made
for walking. Thighs were made for resting on.
A cowlick frames your forehead,
that’s why you are how you are. A dagger’s
stitched to my chest, that’s why I am how I am,
calling you at a number
you haven’t used in ages.
If I do this over and over and still no one responds,
does that make me a devotee?
I might as well
knock and knock at a door
whose hinge has gone rusty
instead of doing nothing,
have all that’s said of me be
he was here, he carved
his shape into the wind.
Here’s Antipolo’s mountain, so climb it.
Here’s the stairs that snake up to my mind, climb those too.
And the dirt road of hair
that ends at my chest—no,
ignore that for now.
There’ll be plenty of time later to get lost
in the small country of my heart,
its labyrinthine plaza,
to descend and find the aged library, the abandoned shelf
of sweets, reed brooms.
If you start your walk from here,
there’ll be someplace you’re going. Go further still and you’ll forget
why you came.
If that happens, come back to the center.
There’s a blazing Christ aflame in the middle of an altar.
The bells in the dome are raspy, hoarse,
they’ve gone so long with no occasion
to celebrate.
Thank you for visiting. Leave a candle lit.
Slip a prayer somewhere between the hassocks.
Before you leave, beat the dust
from your feet.
Why not leave the nation a blessing.
Leave it seeking rain.
Leave the door open
like it’s the kind of church
in old movies, run by killers
and penitent prostitutes, all looking
for new beginnings.
How do you want to begin?
You counted open windows
from Overlooking until
you got cross-eyed.
We’ve been sitting
at this restaurant
for awhile now, ordered nothing,
any time and the waiter will kick us out.
But the ice in my glass hasn’t melted.
The catfish is tired of attempting escape
from his aquarium,
he’s bored out of his mind, scarved with moss.
He wants to be slaughtered, and soon—I get it.
We trade glances and it’s like he’s saying:
that lucky bastard, he got out.
To love is to remain, I say.
They’re different, you say.
They’re nothing alike. No wonder you’re always so morose,
not knowing the distinction.
If it’s only a bus
between Manila and Balibago,
clocks should tick just as quick
to mark time in the world.
If the world’s Antipolo,
make a new Antipolo.
If the cathedral’s
a heart, come by over and over.
If your heart’s a cathedral,
who will I praise?
Why on earth do you do this,
I ask my friend who ascends
towards town each year.
If you need to ask,
you won’t understand.
Maybe, but I still think of you,
the strands of your hair clogging
the bathroom drain.
The comb you never use,
the kamiseta you haven’t worn in forever,
not because it doesn’t fit you
but because of the zipper on its back
which you need someone else to close
since you can’t reach it with your hands.
I want to ask you
if it’s hard, being alone,
but I know you won’t give me
the relief of a response.
So why don’t you lengthen the road?
Multiply the snares on the way,
the counterfeit joys,
six beers for the price of five?
The song speeding jeepneys beat against the earth?
Throw in the protests, too,
against nonbelievers:
if your God really loves you,
why do you suffer so?
If I love you, Samantha,
what should I choose?
Here’s a platter of squid
and some slices of raw mango,
my heart flayed open like a split fish.
The paper napkins are all used up
from wiping sweat off the cup
that’s waited so long for your lips.
If it’s all the same and as easy
whether you drink or abstain,
walk or remain,
grill or fry liempo.
If you’re alone, then make your own saints.
If there’s nothing you believe,
rest your head against the memory of warmer sheets.
Was I left or did I do the leaving?
Which one do I run from,
come home to?
It’s just Antipolo. Or Antipolo.
Sure, there’s a third choice, but you leave it unconfessed,
even now, your face turned, you won’t tell me.
Sa Antipolo Ginaganap ang Alay-Lakad
Ginawa ang binti
upang ipanlakad. Ginawa ang hita upang dantayan.
May puyo ka sa ulo
kayâ ka ganiyan. May nakatahing
daga sa aking dibdib kayâ ako ganito,
tinatawagan ka sa numerong
matagal mo nang hindi ginagamit.
Kapag paulit-ulit ko itong ginawa at walang sumagot,
ang tawag ba sa akin ay deboto?
Siguro nga maganda na ring
kumatok nang kumatok sa pintong
kinakalawang na ang bisagra
kaysa walang ginagawa,
masabi lang na may tao dito
sa sansaglit na inukit ko
ang hangin sa hugis ko.
Heto ang bundok ng Antipolo, kayâ akyatin mo.
Heto ang hagdan patungo sa isip ko, kayâ akyatin mo.
At ang landas ng buhok
na nagwawakas sa dibdib ko—huwag,
huwag mo munang isipin iyan.
Marami pang panahon para maligaw
sa munting bayan ng aking puso,
sa laberintong plasa nitó,
pababâ sa lumang aklatan at abandonadong estante
ng kakanin at walis-tambo.
Kapag nilakad mo mula dito,
may patutunguhan ka. Lumayo ka pa at malilimutan mo
kung bakit ka bumisita.
Kung magkagayon, balikan ang sentro.
May nag-aapoy na Kristo sa gitna ng altar.
Paos na ang kampana sa simboryo
dahil matagal nang walang dahilan
para magdiwang ito.
Salamat sa pagbisita. Iwan mong nakasindi ang kandila.
Iwan mo ang panalangin sa singit ng luhuran.
Bago ka umalis, pagpagin mo ang alikabok
sa iyong talampakan.
Mag-usal ng bendisyon para sa bayan.
Iwan mong nanghihingi ng tag-ulan.
Iwan mong nakabukás ang pinto
tila simbahan
sa mga lumang pelikula, takbuhan ng mga mamamatay-tao’t
mga penitenteng putang naghahanap
ng bagong simula.
Paano mo gusto magsimula?
Binilang mo ang bintana
mula sa Overlooking hanggang
sa magkandaduling ka.
Kanina pa táyo nakaupo
sa restoran na ito
nang walang binibili,
at anumang oras, palalayasin na táyo ng waiter dito.
Ngunit di pa lusáw ang yelo sa baso.
Pagód na ang hito sa pag-alpas
sa akwaryum nitó,
matagal nang nababagot at binabalabalan ng lumot.
Gusto na niyang makatay at naniniwala ako sa kaniya.
Nagkatitigan kami at tila sinasabi niya:
suwerte siya’t nakatakas siya.
Pagmamahal din ang pananatili, sabi ko.
Iba iyon, sabi mo.
Ibang-iba. Kayâ ka laging malungkot
dahil di mo alam iyon.
Kung isang bus lang ang layo
ng Maynila sa Balibago,
ganoon lang dapat kadali
ang magpalipas-oras sa mundo.
Kung ang mundo ay Antipolo,
gumawa ng bagong Antipolo.
Kung ang katedral
ay isang puso, dalawin ito nang paulit-ulit.
Kung ang puso mo ay isang katedral,
sino ang pupurihin ko?
Bakit mo ito ginagawa,
tanong ko sa kaibigan kong
taon-taon umaakyat patungong bayan.
Kung kailangan mong tanungin,
hindi mo maiintindihan.
Marahil, pero iniisip pa rin kita,
ang hibla-hibla ng buhok mong bumabara
sa drenahe ng iyong banyo.
Ang suklay mong hindi mo ginagalaw,
ang kamisetang matagal mo nang hindi sinusuot
hindi dahil di na kasya sa iyo
kundi dahil sa siper sa likod nitó
na kailangan mo pang ipasara sa iba
dahil hindi abot ng iyong kamay.
Mahirap ba mag-isa
ang nais kong itanong sa iyo,
ngunit alam kong hindi mo ibibigay sa akin
ang ginhawang kaakibat ng pagtugon.
Kayâ bakit hindi mo pa habaan ang daan?
Damihan ang patibong sa gilid,
mga huwad na tuwa,
anim na beer sa presyo ng lima?
Tugtúging patok na nagpapaugong sa lupa?
Samahan mo pa ng mga protesta
sa kanilang hindi naniniwala:
kung mahal ka ng Diyos niyo,
hindi ka Niya pahihirapan.
Kung mahal kita, Samantha,
ano ang aking pagpipilian?
Narito ang isang platito ng pusit
at hiniwang hilaw na mangga,
ang puso kong tila tilapyang pinabuka.
Ubos na ang tisyu sa lalagyan
kakapunas sa pawis ng basong
kanina pa nag-aabang sa iyong bibig.
Kung kasindali lang ang lahat
sa pag-inom at hindi,
sa paglakad at pananatili,
inihaw o piniritong liempo.
Kung nag-iisa, gumawa ng sariling santo.
Kung walang pinaniniwalaan,
sumandal sa gunita ng mainit na kama.
Ako ba ang iniwan o ang nang-iwan?
Alin ang tinatakbuhan
at alin ang tahanan?
Antipolo lang iyan o Antipolo.
May isang ikatlong sagot, ayaw mo aminin,
at hanggang ngayon, ayaw mong sabihin sa akin.